Saturday, March 18, 2006
the funny thing is, we still can't get over our "bataan outing"..hahaha.. next stop, probably boracay.. (kung madami ang sasama, count me in..!!)
*** random thoughts @
9:24 AM
Wednesday, March 15, 2006
ngayon ko lang ulit naisipan mag post dito. at dahil pagod at masaya ako, hindi ko na magawa pang mag english.. kaya pasensya na..kadarating lang namin galing bataan at eto, miss ko na agad ang mga kaklase ko.. oo, ang corny talaga, pero totoo.. (kahit na madaming pamahiin tungkol sa mga graduating students dahil mas malapit daw kami sa disgrasya, tinuloy parin namin ang outing namin, half of the class sumama, kaya sobrang saya.. oo nga pala, may buddy-buddy system din kami kaya medyo safe..hehe)three days.., bonding session lang talaga ang ginawa namin --- maliban sa paglangoy sa beach (kung saan nagtakbuhan kami dahil may nakita kaming jellyfish---na binaon ng mga guys sa buhangin at naging sanhi ng pagkamatay nito), videoke, inuman (kahit na tumikim lang ako dahil ako ay allergic sa ibang drinks), bonfire, charades,tawanan, pag gawa ng music videos, iba't ibang klase ng nakakalokang card games, kumain, gawing sandman si Bimbo, at syempre iyakan... ewan ko ba, ang hirap dahil maghihiwahiwalay na kami, nakakalungkot dahil ngayon, iba na talaga.. ang hirap iwan ang mga bagay na nakasanayan at napamahal na sayo..yang mga superstitions na 'delikado daw gumimik ang mga graduating students dahil mas prone kami sa accidents', hindi namin pinakinggan.. at buti naman walang nangyaring masama..i'm really thankful at naging kaibigan ko at section ang 4 jrn 3.. pwera biro, ito na ata ang pinakamasayang part ng college life ko.. blessing in disguise talaga ang pag reshuffle samin nung second year.. (noong una, ayoko pa, dahil nga sa s0-called-section-rivalry..Sus!!) kaya, lulubus lubusin ko na... mamimiss ko talaga kayong lahat.. as in every one in the class...ngayon, ewan ko ba,sa monday na yung sukatan ng toga.. malapit na talaga yung actual moment na magihihiwahiwalay kami.. surreal.. nakakalungkot..kung anu man ang mangyayri sakin after graduation, hindi ko pa rin alam, gusto pa sanang mag aral ng web designing, advertising o kaya ay computer programming, pero ngayon, malabo parin lahat...(sana ma upload na yung mga pictures..!! at salamat talaga kina rea, sa family nya at sa kanilang mahiwagang rice..)
*** random thoughts @
4:50 PM
|